WALANG PAGMAMADALI  : Pagbili ng Denvaxia vaccine, walang midnight deal – Garin

National News

SA unang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Dengue Vaccination Program ng Department of Health, ipinunto ng dating kalihim ng ahensya na si Janette Garin na walang naganap na midnight deal sa pagitan ng ahensya at Sanofi Pasteur.

Aniya, walang kurapsyon at sabwatan sa pag-apruba ng P3.5 Billion halaga ng Denvaxia vaccine.

Giit pa ng dating kalihim na hindi minadali ang pag-apruba sa naturang transaksyon dahil matagal na rin aniyang pinag-uusapan ang sakit na dengue sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *