PAO, binanatan ang mga nagsasabing walang namatay sa Dengvaxia vaccine

National News

BINANATAN ng Public Attorney’s Office (PAO) ang mga nasa likod ng Dengvaxia vaccine
na nagsasabing wala pang namamatay sa naturang gamot.

Sa isang pulong balitaan, tinawag ni PAO Chief Persida Acosta na sinungaling ang mga
ito dahil may namatay na sa Dengvaxia.

Patunay aniya rito ang kaso ng elementary student na si Christine Mae De Guzman na
taga-Bataan at Anjielica Pestilos.

Sa kuwento ni Nelson De Guzman, ang ama ni Christine Mae, Abril 6, 2016 nang
mabakunahan ang kanyang anak ng Dengvaxia sa Bataan at buwan ng Oktubre o anim
na buwan matapos mabakunahan nang nakaramdam ng pananakit ng ulo ang kanyang
anak hanggang sa mamatay ito.

At base sa pagsusuri ng mga doktor sa Balanga Provincial Hospital, nagpositibo si
Christine Mae sa dengue.

Ganito rin ang naging kaso umano ng estudyante si Pestilos na pumanaw lamang nitong
Disyembre 6, 2017.

Dumulog na ngayon ang PAO kasama ang mga magulang ng dalawang bata sa DOJ para
magpasaklolo.

Kaugnay nito, inatasan naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang PAO sa
pamamagitan ni Acosta na magbigay ng libreng tulong-ligal para sa mga pasyenteng
maaring dumanas ng pinsala, sakit o nasawi nang dahil sa Dengvaxia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *