Bagyong ‘Vinta’, bahagyang lumakas; signal number 1, nakataas na sa 7 lalawigan sa Eastern Mindanao

National News

BAHAGYANG lumakas ang Tropical Depression Vinta habang binabagtas ang kalupaan ng Pilipinas sa Eastern Mindanao.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 605 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay ng Bagyong Vinta ang lakas ng hangin ng 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong 65 kilometro bawat oras.

Inaasahang magla-landfall ito sa Caraga-Davao Region mamayang gabi hanggang bukas ng umaga, araw ng Biyernes.

Ito na ang ika-22 sama ng panahon na naranasan sa taong 2017.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang Signal Number 1 sa Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Davao Del Norte, Compostela Valley at Northern Davao Oriental.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *