BBL, posibleng maisalang na sa plenaryo sa susunod na taon

National News

POSIBLENG maisalang na sa plenaryo ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa
Marso, 2018.

Ito ang ipinangako ni Senador Miguel Zubiri, vice-chairman ng Local
Government Committee sa pagdinig ng senado sa panukalang BBL.

Dagdag ni Zubiri na magsasagawa sila ng marathon hearings sa susunod na
taon kaugnay ng BBL proposal.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na suportado ng
oposisyon ang panukala.

Iminungkahi ni Drilon na i-adopt ng Senate Committee Secretariat ang mga
komento na ginawa sa 16th congress para makatipid ng oras.

Ayon naman kay Senate President Koko Pimentel, hiningi ni Pangulong
Rodrigo Duterte ang tulong ng Kongreso para mawala ang posibleng
unconstitutional measures.

Dagdag pa ni Pimentel na hindi na isang debate ang pagpasa ng BBL dahil
gusto ito ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *