Pinalipad na missiles sa Riyadh mula Yemen, gawa ng Iran—US envoy

International News

IGINIIT ni US Ambassador to United Nations Nikki Haley na may sagisag na
gawa ng Iran ang pinalipad na missiles sa Riyadh, Saudi Arabia, mula
Yemen.

Sinabi ni Haley na taglay ng Burkan H2 Ballistic Missiles ang simbolo ng mga
nakaraang pag-atake gamit ang
Iranian-Provided Weapons.

Aniya, posibleng magresulta sa mas malawak at malalim na regional conflict
ang naging aksyon ng Iran.

Dagdag ni Haley, kahapon ay sinira ng militar ng Saudi ang nabanggit na
missiles at wala namang naiulat na anumang pinsala rito.

Itinanggi naman ng Iran na nagbibigay sila ng armas sa rebeldeng
Grupong Houthi sa Yemen na nakikipagsagupa sa pamahalaan at sa
Saudi-Led Coalition.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *