Pagbibitiw sa pwesto ni Paolo Duterte, nakatakdang desisyunan ng pangulo sa loob ng 2 linggo

National News

MAY labing-limang araw pa si Pangulong Rodrigo Duterte para desisyunan ang
pagbibitiw ng anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ito ang nilinaw ng Malakanyang matapos maghain ng resignation letter si Paolo dahil sa
ilang kontrobersyang kinakaharap nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magsisimula ang 15-day reglementary
period
ay sa sandaling matanggap na ni Pangulong Duterte ang resignation letter mula
kay Paolo.

Nakasaad sa probisyon ng Local Government Code, na kailangang aksyunan ang liham
ng pagbibitiw sa loob ng 15 araw at kung walang gagawin ng pangulo ay magiging
epektibo na ito o “deemed accepted.”

Kung maalala, nitong Disyembre 25 nang maghain ang nakababatang Duterte ng
resignation letter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *