Sen. Gatchalian, ipinagtanggol ni Sen. JV Ejercito sa mga netizens

National News

IPINAGTANGGOL ni Senador JV Ejrcito si Senador Win Gatchalian kaugnay sa pakikipagtalo at pagmumura sa social media.

Ayon kay Ejercito, tao lamang silang mga opisyal ng gobiyerno na naaapektuhan at nasasaktan din.

Matatandaan na tinawag na ‘gago’ at ‘ulol’ ni Gatchalian ang ilang netizens na tinawag siyang ‘trapo’ nang batikusin niya ang Administrasyong Aquino.

Habang ang ilang netizen naman ay naghanap ng kaniyang mga papuri noon kay dating Pangulong Noynoy Aquino nang nakaupo pa ito sa puwesto.

Aminado si Gatchalian na nainis siya kaya napatulan niya ang mga nag-post ng negatibong komento sa Twitter.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Ejercito si Gatchalian na maging cool at huwag patulan ang mga sadyang nang-iinis sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *