Malakanyang, di makikialam sa kaso ni Aquino sa COMELEC

National News

HINDI umano makikialam ang Malakanyang sa kasong isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban kay Dating Pangulong Noynoy Aquino sa Commission on Elections (COMELEC).

Ito ay kaugnay sa umano’y paglabag ng dating pangulo sa election code matapos aprubahan ang immunization program laban sa dengue na ginamit umanong plataporma sa political campaign noong 2016 Election.

Iginiit din ng VACC na nagamit ang pondo ng Dengvaxia project sa kampanya ng Liberal Party.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hahayaan na lang ng pangulo na umusad ang imbestigasyon ng Comelec sa reklamo ng VACC.

Binigyang diin ni Roque na isang independent constitutional body ang COMELEC kaya hindi makikialam ang palasyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *