Labi ni Joanna Dimafelis galing Kuwait, nakatakdang dumating bukas – DFA

National News

Nakatakdang dumating na sa bansa bukas o Feb.16 ang labi ng Overseas Filipino Worker na pinatay na kanyang amo at isinilid sa freezer na si Joanna Demafelis mula Kuwait.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ibabyahe ngayong araw ang katawan ni Demafelis mula Kuwait at bukas ito darating sa Manila.

Bgao naman ang pagbiyahe ng labi ni Demafelis, binisita ito ni Philippine Ambassador to Kuwait Rene Villa sa Al-Sabah Hospital para tingnan at paghandaan ang paghatid sa labi nito sa Pilipinas.

Hiniling naman ni Villa sa Kuwaiti authorities na gawin ang lahat para makita at maaresto ang pumaslang na Lebanese employer at ang maybahay nito na Syrian kay Dimafelis.

Aminado si ambassador Villa na nabigla at sobrang nagalit ang mga otoridad sa Kuwaiti sa karumal dumal na pamamaslang at nangako naman ito sa kanilang responsibilidad para sa hustisya ni Dimafelis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *