Dalawang de-kalibreng point guards ng Gilas Pilipinas, hindi makakapaglaro sa Australia

Sports

Hindi makakabilang sina point guards Jio Jalalon at Jayson Castro sa Gilas Pilipinas para makapaglaro sa bansang Australia ngayong February 22 para sa second window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Si Castro ay may iniindang ankle injury habang si Jalalon naman ay na-dropped.

Sa ngayon ang 12-man line-up ng Team Pilipinas ay binubuo nina Kiefer Ravena, Kevin Alas, Matthew Wright, Roger Pogoy, Allein Maliksi, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Carl Bryan Cruz, Abu Tratter, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, at Andray Blatche.

Inaasahang makakatapat ng Gilas ang Boomers ng Australia para makuha ang unang pwesto sa Group B.

Ikinagulat naman ni Australian Point Guard Jason Cadee ng Boomers ang kawalan ng Pilipinas dahil sa absent na presensya ni Castro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *