Pangulong Duterte, handang managot sa pagpapatuloy ng Oplan Tokhang

National News

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang managot sa nagpapatuloy ng kampanya kontra iligal na droga.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kaniyang talumpati sa National Swat Challenge sa Team Davao Firing Range, Maa Diversion, Davao City.

Muling pinasaringan ni Duterte ang Commission on Human Rights na hindi nito naiintindihan ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga at ang iniintindi lamang umano nito ang karapatan ng mga kriminal.

una nang naiulat ng CHR na umaabot na sa 17,000 ang namatay sa kampanya kontra droga ng gobyerno.

Ayon sa pangulo, kung totoo ang nasabing bilang dapat daw ay puno na ang mga memorial ngayon sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *