Magnolia, pasok na sa PBA finals

Sports

Hindi na pinaabot pa ng Magnolia Hotshots sa game 7 ang kanilang laban kontra sa NLEX Road Warriors sa PBA Philippine Cup Semifinals series.

Ito ay matapos na pataubin ng Magnolia ang Road Warriors sa kanilang game 6 sa iskor na 96-89.

Nanguna para sa panalo ng Hotshots si Ian Sangalang na gumawa ng 15 points, at 11 rebound habang nag-ambag din si Mark Barroca ng 14 points, 10 rebounds at 5 assists.

Nagtala rin ng double-double para sa panalo ng magnolia si Jio Jalalon na may 11 points, 13 assists at 5 rebounds, habang tig-sampung puntos naman para kina Aldrech Ramos at Kyle Pascual.

Muli namang magbabalik sa finals ang Magnolia matapos ang kanilang Grand Slam noong 2014.

Samantala, nakapagtala naman ng kasaysayan sa PBA ang mga franchise na San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots na pinakamas-naglalabang koponan pagdating sa finals.

Dahil ito na ang ika-walong pagkakataon na magtatagpo ang dalawang koponan sa PBA Finals. Kasali na rito ang anim na finals sa All-Filipino Cup.

Unang nagtagpo ang dalawang koponan noong taong 1988 at 1994.

Habang muli namang nasilayan sa finals ang dalawang koponan noong taong 1989 All-Filipino.

Matapos nito tatlong taon pa ang lumipas bago naman nagpakitang gilas ang dalawang koponan.

Nasundan ito noong 1992, 1993, 1994, 2013 at ngayong taong kasalukuyan.

Magsisimula naman ang Game 1 sa pagitan ng dalawang koponan sa darating na March 23.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *