Mga ospital na tumatanggi sa mga pasyenteng hinihinalang naturukan ng dengvaxia, kakasuhan ayon sa DOH

National News

Nagbabala ang Department of Health o DOH sa mga hospital na tumatangging tumanggap ng mga pasyenteng hinihinalaang may dengue o naturukan ng dengvaxia vaccine.

Ginawa ni Health Secretary Francisco Duque III ang pahayag matapos tanggihan umano ng apat na hospital sa Cavite ang isang pasyenteng naturukan ng dengvaxia.

Nabatid na pinagpasa-pasahan ng nasabing mga ospital sa Cavite ang namatay na pasyente.

Ayon kay Duque, maaaring sampahan ng kasong administratibo ang mga opisyal ng hospital na napatunayang tinanggihan ang pasyenteng may dengue.

Una nang ipinag-utos ng DOH sa lahat ng mga pagamutan na maglagay ng fast lane para sa mga pasyenteng naturukan ng dengvaxia vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *