Mga political leaders, hinikayat ni Pangulong Duterte na isantabi ang partisanship

National News

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider-pulitiko na isantabi ang partisanship.

Sa halip, sinabi ng pangulo na tulungan siyang magtrabaho para sa kabutihan ng bansa.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa idinaos na Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee Leaders and National Summit sa Pasay City.

Iginiit ng pangulo na walang mangyayari kung magpapatuloy ang mga iringan sa pulitika.

Ayon kay Duterte, nakahanda siyang makipagtrabaho sa mga kaalyado ng kanyang mga nakalaban sa halalang pampanguluhan noong 2016.

Pero binigyang-diin ng pangulo na walang makakaligtas sa kanyang kampanya laban sa katiwalian at bawal na gamot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *