Quo warranto petition laban kay CJ Sereno, ipinababasura ng IBP

National News

Ipinababasura ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Supreme Court ang quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa IBP, sa pamamagitan lamang ng impeachment maaaring matanggal sa puwesto ang isang impeachable officer alinsunod sa saligang batas.

Sinabi ni IBP National President Atty. Abdiel Dan Elijah Fajardo, na hindi maaaring kuwestyunin ang integridad ng punong mahistrado dahil nalalabag nito ang fundamental principle of separation of powers.

Naniniwala ang IBP na bilang appointee ni dating pangulong Noynoy Aquino ay na-meet na ni CJ Sereno ang integrity requirement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *