NEDA, iminungkahing ipasara ang Boracay sa lean season  

National News

Iminungkahi ng National Economic Development Authority o NEDA na ipasara ang Boracay pagsapit ng “lean season” o mga panahon kung saan kakaunti ang bilang ng mga turistang dumadayo sa isla.

Ito’y ayon kay NEDA Officer in Charge Rosemarie Edillon para hindi masyadong maramdaman ang epekto ng isasagawang rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Hiniling din ni Edillon ang kooperasyon ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan sa Department of Tourism para mabigyan ng trabaho ang mga maaapektuhang manggagawa sa pagsasara sa isla.

Ngayong araw ay muling magpupulong ang mga stakeholders sa boracay para talakayin ang contingency measures kapag isinara na ang isla sa mga turista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *