Suspek sa pamamaril sa labas ng Youtube Headquarters, nakilala na

International News

Sa California…

nakilala na ng mga otoridad ang babaeng suspek sa pamamaril sa labas ng Youtube headquarters sa San Bruno

Ayon kay San Bruno Police Chief Ed Barberini, kinilala ang suspek na sa pangalang Nasim Aghdam.

Tatlong katao ang naiulat na sugatan sa pamamaril na ngayon ay nananatili sa San Francisco General Hospital habang may isa pang naitalang sugatan dahil sa pagpapanic.

Patay naman ang suspek matapos itong magbaril sa sarili gamit ang isang handgun.

Sa ngayon, lumalabas sa inisyal na impormasyon na posibleng kilala ng suspek ang isa sa mga biktima at blangko pa ang mga ito sa motibo ng pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *