Economic engagement ng Pilipinas, palalawakin

National News

Ulat Ni: Cresilyn Catarong

Patuloy ang pagsisikap ng Pilipinas na mapalawak at mapalalim pa ang economic engagement at kooperasyon sa iba’t ibang neighboring countries sa Asya.

Ito ang isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa talumpati nito sa opening ceremony ng Boao Forum for Asia sa Hainan, China.

Ayon kay Pangulong Duterte, paiigtingin nito ang kooperasyon at ugnayan ng Pilipinas at China kaugnay sa isyu ng ekonomiya maging ng pulitika.

Ipinunto rito ng presidente ang interes ng Pilipinas sa trade expansion at promosyon ng investment.

Sinabi pa ni Duterte na nagsilbing solid backbone ng Pilipinas ang ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyon tungo sa kaunlaran na lilikha ng maraming trabaho.

Ipinagmalaki naman ng pangulo ang paglago ng negosyo sa bansa na resulta ng pagpapabuti sa peace and order situation.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, pinagtutuunan din ng administrasyon ang interconnectivity.

“With good governance as a basis of our sound economic policy, the Philippines will do more to increase investments in the country, particularly in infrastructure, innovation and interconnectivity.“ – President Duterte

Inihayag ng pangulo na kabalikat ng Pilipinas ang bansang Tsina sa pagsugpo ng kriminalidad at illegal drug trade sa bansa maging sa kampanya kontra terorismo.

Samantala, magkakaroon naman ng bilateral meeting si pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping mamayang gabi.

Posible namang matalakay ng dalawang lider ang usapin sa West Philippine Sea.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *