Gen. Dela Rosa, puspusan ang paghahanda bilang BUCOR chief

National News

Pinaghahandaan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Ro­nald dela Rosa bilang incoming director ng Bureau of Corrections (BUCOR) ang kampanya kontra droga sa loob ng New Bilibid Pri­sons (NBP).

Ayon kay dela Rosa, handa na siya sa panibagong hamon sa tungkulin na ipinagkatiwala sa aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni dela Rosa na panunumpain niya sa bibliya ang mga drug lord na nakapiit sa BUCOR na hihinto na sa kanilang iligal na aktibidades.

Matatapos ang pinalawig na serbisyo ni dela Rosa bilang PNP Chief sa Abril a-disinueve kung saan papalitan siya ni National Capital Region Police Office o NCRPO Chief General Oscar Albayalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *