Incoming PNP Chief Albayalde, nais pangasiwaan ang pagsasanay ng SAF

National News

Nais ni incoming PNP Chief Director Oscar Albayalde na pangasiwaan ng Special Action Force (SAF) ang pagsasanay sa mga pulis.

Gayunman, kakailanganin nila ng mas maganda at malaking pasilidad para sa training.

Ipinanukala rin ni Albayalde ang pagtatayo ng eskwelahan  para maging standard ang pagsasanay ng mga pulis dahil nanggaling siya sa SAF.

Nakita aniya nito ang pag-uugali, training, skills at disiplina ng mga pulis na nakadestino sa SAF.

Mas hihigpitan na din ng PNP ang pagbili ng uniporme ng mga pulis.

Kasunod ito ng kidnapping incident sa San Pablo, Laguna na nauwi sa pamamaril at ikinasawi ng limang suspek na nakasuot ng fatigue uniforms at isang pulis.

Ayon kay incoming PNP Chief Director Oscar Albayalde, may ilang tindahan pa rin na nagbebenta at maaari pang magpagawa ng uniporme lalo na sa mga mumurahing mananahi kaya’t hihigpitan na ang implementing rules sa pagbili ng police uniforms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *