Job fairs sa Cebu, dinagsa rin ng libong mga aplikante

Job fairs sa Cebu, dinagsa rin ng libong mga aplikante

Regional

Libu-libong mga aplikante rin ang dumagsa sa IC3 Convention Center Cebu.

Ito ay bahagi pa rin ng mga job fairs na inorganisa ng DOLE sa buong bansa bilang pag-obserba sa araw ng pagawa.

Dito sa Central Visayas, humigit kumulang 18 libong mga job vacancies ang binuksan para sa mga naghahanap ng trabaho sa local at overseas job fair.

Ayon sa DOLE Region VII, naging posible ang kanilang job fairs sa tulong na rin Cebu provincial government, at ng Dumaguete City government.

Sa Dumaguete, isinagawa sa Negros Oriental Convention Center Capitol area ang job fair.

Ang mga trabahong in demand ngayon sa bansa ay ang mga sumusunod; casher,service crew,carpenters, mason ,sales clerk, drivers,kitchen staff, waiters,enginners,technical supports.

Sa abroad naman, in demand ang trabahong tulad ng nurse,engineers,bell boys,cook,service crew,graphic designer ,room attendants, at restaurant workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *