Nilinaw

Teo nilinaw na walang conflict of interest sa ads ng ahensya media outfit ng Tulfo brothers

National News

Nilinaw ni Tourism Secretary Wanda Teo na walang conflict of interest sa advertisement ng Department of Tourism (DOT) na nagkakahalaga ng P60-M sa television program ng kanyang kapatid.

Ito ay kasunod ng pagkuwestyun ng Commission on Audit (COA) sa ads ng DOT sa media outfit ng magkapatid na Ben at Erwin Tulfo.

Paliwanag ni Teo, pumasok ang DOT sa kontrata sa PTV-4 at hindi sa producer ng Bitag dahil ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte ay suportahan ang government station.

Dagdag ng kalihim, sariling desisyon ng PTV na ilagay ang ads sa show ng kanyang mga kapatid dahil sa mataas na ratings.

Binigyang-diin pa ni Teo na nagbayad din ang DOT para sa ads sa iba pang local at foreign media outfits.

Kaugnay nito, nakatakdang imbestigahan ng palasyo ang nasabing isyu.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang balita at nais nitong malaman ang puno’t dulo ng isyu.

Nilinaw naman ni Roque na walang dahilan para iwan ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ang kanyang puwesto habang ginagawa ang imbestigasyon.-sonshineradio.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *