Online appointment slots

Online appointment slots binuksan na ng DFA

National News

Binuksan na ng Department of Foreign Affairs sa publiko ang online appointment slots para sa pagkuha ng pasaporte sa buwan ng Hulyo at Septyembre.

Ayon sa DFA, nasa huling yugto na ang pilot testing ng E-payment na inaasahang maipapatupad sa lahat ng consular offices sa bansa.

Umaasa ang DFA na dahil sa E-payment ay mababawasan ang bilang ng mga nasayang na slots dahil sa hin di pagsipot ng mga aplikante sa panahon  ng kanilang appointment.

Sa pamamagitan ng E-payment ay inaasahang tuluyan nang mawawala ang mga bogus appointments.

Samantala, inihayag ng DFA na hindi na kailangan ang appointments ng mga aplikanteng mga OFWs, senior citizens, person with disability, solo parentts, pitong taong gulang pababa at ang mga may emergency travels.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *