Pacquiao, lubos ang pag-eensayo

Pacquiao, lubos ang pag-eensayo

Sports

Lubos na ngayon ang preparasyon ni Former World Champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa General Santos City para sa kanyang nalalapit na pakikipaglaban kay Lucas Matthysse.

Excited umano si Pacquiao sa kanyang pagbabalik sa ring at makaharap ulit ang isang mapanganib na boksingero.

Ito ang unang pagkakataon na makabalik si Pacquiao matapos matalo laban kay Jeff Horn noong July 2017 sa Australia.

Ani Pacquiao, pagbubutihin nya ang kanyang pag eensayo sa pamamgitan ng cardio workouts.

Kasama nya rin ang mga kaibigan nitong trainers na si Buboy Fernandez at Raides “Nonoy” Neri na syang nagsasagawa ng mga regular gym drills.

Nakatakda ang naturang laban ng dalawa ngayong Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur Malaysia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *