relocation sites

Relocation sites para sa taga isla ng Bora

Regional

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local government (DILG) na may relocation area na para sa mga residenteng nakatira sa wetlands ng boracay island sa Aklan.

Kasunod ito ng panawagan ng mga residente sa Cagban Bubon sa pamahalaan na bigyan sila ng malilipatan dahil pinaaalis na sila sa kanilang bahay para sa rehabilitasyon sa isla.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, nakikipag-ugnayan na sila sa housing authorities para mai-relocate na ang mga ito sa isang lugar sa bayan ng Malay.

Sinabi ni Densing na kailangang alisin ang mga iligal na istraktura na nakatayo sa limang wetlands na tinukoy ng DENR na kinabibilangan ng Cagban Bubon.

Ito aniya ay dahil nagsisilbing natural catch basin ng ulan ang Wetland.

Dagdag ni Densing na uunahing alisin ang mga resort at hotel para marekober ang tatlo sa limang Wetlands sa soft-opening ng Boracay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *