smuggle

Piskal na isinangkot sa smuggled jewelries, paiimbestigahan ng DOJ

Metro News

Sisimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang hiwalay na imbestigasyon laban sa mga public prosecutors na nadawit sa pag-smuggle ng mga alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Justice secretary Menardo Guevarra na inatasan na niya ang DOJ-Internal Affairs Unit na agad simulan ang imbestigasyon matapos na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga piskal na sangkot umano sa katiwalian.

Ang mga piskal na iimbestigahan ay sina Prosecutors Samina Sampaco Macabando-Usman, Pasay City Prosecutor Benjamin Lanto, Inquest Prosecutor Clemente Villanueva, at Assistant Prosecutor Florenzo Dela Cruz.

Nag-ugat ang kontrobersiya laban sa mga nasabing piskal makaraan nilang pakawalan at iniutos na isailalim muna sa imbestigasyon ang mag-asawang sina Abraham Mimbalawag at Bang-Sa Mimbalawag gayundin ang NAIA Customs Operations Officer na si Lomontod Macabando na hinihinalang sangkot sa sindikato ng jewelry smuggling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *