balikatan exercises

Balikatan Exercises ng Pilipinas at Amerika, opisyal nang nagtapos

National News

Tapos na ang Balikatan Exercises 2018 sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sa closing ceremony, ay pinasalamatan ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, Jr. ang lahat ng nag-partisipa sa Philippine-US Military Exercises.

Sinabi naman ni Philippine Exercise Director Lieutenant General Miguel Salamat na mahigit walong libo ang lumahok sa Balikatan Excercise 2018.

Ibinida ni Salamat na limang elementary school buildings sa Northern Luzon na nagkakahalaga ng labing dalawang milyong piso ang itinayo ng tropa ng Pilipinas at Amerika.

Sa panig ni US Officer Conducting Exercise Brigadier General Thomas Weidley, naging matagumpay ang Balikatan 2018 na nagsimula noong May 7.

Nagsilbi namang guest of honor sa closing ceremony ng Balikatan 2018 si US Charge d’ Affaires Michael Klecheski.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *