INFLATION RATE

Pagtaas ng inflation rate, hindi dapat isisi sa TRAIN Law

National News

Umapela si Finance Sec. Carlos Dominguez III na hindi dapat isisi sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ang pagtaas ng inflation rate.

Ginawa ni Dominguez ang pahayag sa pagdinig ng House Ways and Means Committee sa second package ng TRAIN Law.

Paliwanag ng kalihim na sa kada-piso na gagastusin ng publiko dahil sa inflation, siyam na centavos lamang daw dito ay bunsod ng TRAIN.

Matatandaan na nitong nakalipas na buwan ng Abril ay pumalo sa five-year high na 4.5 percent ang inflation rate sa bansa.

Mas mataas ito kung ikumpara sa inflation target range ng gobyerno na dalawa hanggang apat na porsiyento para sa buong taon.

Sinabi ni Dominguez na ang nakalipas na inflation rate ay bunsod naman ng patuloy na expansion ng ekonomiya ng bansa.

Excise tax sa TRAIN Law, pinatatanggal ni Sen. Bam

Pinapatanggal ni Senador Bam Aquino sa lalong madaling panahon ang ipinatutupad na excise tax na dala ng TRAIN Law.

Ito ay sa kabila ng pag-anunsyo ng Malakanyang na sususpendihin na ang pagpapataw ng karagdagang excise tax sa taong 2019.

Sinabi ni Aquino sa isang pahayag na ang hinahanap ng taumbayan ang pag-rollback sa presyo ng petrolyo at iba pang bilihin.

Iginiit ni Aquino sa isang panukala na bawiin pati ang dinagdag na excise tax on fuel na pinataw na sa merkado ngayong 2018.

Umaasa naman si Aquino na aani ng suporta ang kanyang panukala mulsa kanyang mga kasamahan sa Senado.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *