sotto

Sotto at Alvarez, magpupulong para sa mga priority bills

National News

Makikipagpulong si Senate President Tito Sotto III kay House Speaker Pantaleon Alvarez matapos para mapabilis ang pagpasa ng mga priority bills.

Tiniyak din ni Sotto na mananatiling maayos ang relasyon ng senado sa executive branch pagdating sa usapin sa mga mahahalagang batas na kakailanganin ng mamamayan.

Ayon sa bagong Senate president, hindi lamang ang mayorya ang pakikinggan nito kundi maging ang minority members na kinabibilangan ng opposition senators.

Sinabi rin ni Sotto na walang mababago sa mga naunang priority bills sa ilalim ng pamumuno ni dating Senate President Koko Pimentel III tulad ng pagpapasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL) at ilan pang panukalang nakabinbin.

Gawing urgent bill ang BBL

Kumpiyansa ang Malakanyang na sesertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent bill ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon kay Roque, ang senado at kamara ay puwede lamang magbotohan sa third at final reading ng anumang panukalang batas na pumasa na sa ikalawang pagbasa.

Plano ng kamara na maipasa ang BBL bago magtapos ang Second Regular Session ng 17th Congress sa susunod na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *