garin

Garin, itinanggi ang paglilipat ng pondo para sa mga Senior Citizen

National News

Itinanggi ni dating Health secretary at Philhealth Chairperson Janette Garin na ipinalipat niya ang mahigit sampung bilyong pisong pondo para sa Expanded Senior Citizens Act sa pagpapatayo ng Rural Health Units noong 2015.

Nilinaw ni Garin na hindi niya hiniling sa Department of Budget and Management (DBM) na ilipat ang pondo dahil wala namang pondo ang Philhealth na aabot sa P10.6-B.

Dagdag nito, nagpadala siya noon ng letter request sa DBM para singilin sa kanilang utang sa Philhealth.

Aniya, ang nasabing halaga ay hindi lang para sa senior citizens kundi sa pangkalahatan ng DOH partikular sa unprogrammed funds para sa health expenditure na maaring gamitin ng Philhealth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *