clean water act

Mga lumabag sa Philippine Clean Water Act sa Boracay, kakasuhan

Regional

Papatawan ng matinding parusa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga lumabag sa Philippine Clean Water Act of 2004 sa Isla ng Boracay.

“We will not hesitate to file appropriate charges against these erring establishments and base these charges on all the violations we can possibly identify against them, with maximum penalty, for contributing to the deterioration of Boracay.” – Sec. Roy Cimatu, DENR

Ginawa ni Environment secretary Roy Cimatu ang pahayag matapos madiskubre ang mga illegal pipelines na nakakonekta sa karagatan ng Boracay.

Nakasaad sa naturang batas na ang bawat may-ari ng establisimiyento na may illegal pipelines ay magmumulta ng dalawang daang libong piso kada araw mula ng mailagay ito hanggang sa kasalukuyan.

Bukod dito, maari ding maipasara ng tuluyan at kakasuhan ng kriminal ang mga may-ari ng gusali na di sumusunod sa batas.

Sa tala ng DENR, umaabot na sa dalawampu’t anim na illegal pipelines ang nadiskubre sa may labing anim na estabilisimiyento na nasa tabing dagat ng Boracay.

Malay, Aklan, posibleng isailalim sa state of calamity

Posibleng isailalim din sa state of calamity ang labing apat na barangay sa Malay, Aklan dahil sa epekto ng pansamantalang pagpapasara sa Boracay.

Ang mga barangay na posibleng isailalim sa state of calamity ay ang sumusunod:

  • Sambiray
  • Caticlan
  • Cubay Sur
  • Poblacion
  • Cogon
  • Argao
  • Nabaoy
  • Cubay Norte
  • Balusbus
  • Motag
  • Cabulihan
  • Napaan
  • Naasog
  • Dumlog

Una nang isinailalim sa state of calamity ang tatlong barangay sa isla sa bisa ng Proclamation No. 474 ni Pangulong Rodrigo Duterte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *