KANSELADO

Klase sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig-lalawigan kanselado ngayong araw

Metro News

Kanselado ang klase sa ilang lungsod sa Metro Manila ngayong araw June 11 dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Domeng.

Kabilang sa mga naunang nagdeklara ng walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan ang Muntinlupa, Mandaluyong, Malabon, Navotas, Manila, Quezon City, Las Pinas, Paranaque, Pasay City, Valenzuela, Caloocan, Marikina, San Juan at bayan ng Pateros.

Habang ang Taguig City ay nagdeklara na walang pasok sa pre-school hanggang high school mula sa mga pribado at pampublikong paaralan.

Tanging ang lungsod ng Makati na lamang ang wala pang pahayag sa kanselasyon ng klase.

Maging sa mga lalawigan wala na ring pasok sa klase sa lahat ng antas sa Subic sa Zambales, Bataan, Olongapo City, Abra at Cavite.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *