Sara Duterte

Sara Duterte, nagsalita kaugnay sa pahayag ng kanyang ama laban sa bibliya

National News

Nagpahayag si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa kontobersyal na pahayag ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa bibliya.

Sa post ng mayora sa kaniyang social media account sinabi nito na hindi dapat makinig ang taumbayan sa kaniyang ama kaugnay sa sarili nitong interpretasyon sa bibliya o kahit anong relihiyon dahil hindi naman aniya ito pastor.

Binigyang-diin ng presidential daughter na presidente ang kanyang ama at pakinggan lamang kung ang mga sasabihin nito ay may relasyon sa kaniyang trabaho bilang pangulo ng bansa.

Hindi na aniya dapat pang pagtuunan ng pansin o ng negative energy ang interpretasyon ni Duterte sa bibliya dahil opinyon niya lamang ito at protektado naman ang presidente ng Saligang Batas na nagsasaad ng kalayaan sa pamamahayag.

Magugunitang umani ng kritisismo ang pagkuwestyon ni Duterte sa creation story, tinawag ang diyos na estupido sa kabila pa ng mga patutsada nito laban sa simbahang katolika.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *