Mayorya ng mga Pilipino

Mayorya ng mga Pilipino, tutol sa Federalism – Pulse Asia

National News

Mayorya ng mga Pilipino ang tutol sa 1987 Constitution na gawing Federalism ang sistema ng pamahalaan  sa bansa.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 67 percent ng mga Pinoy ang nagsabing hindi dapat amyendahan ang Saligang Batas.

Nasa 18 percent naman ng mga Pilipino ang payag na palitan ang Konstitusyon.

Habang 14 percent ang walang masabi hinggil dito.

Lumabas din sa survey na 62 percent ng mga Pinoy ang tutol na gawing Federalism ang sistema ng gobyerno.

22 percent  ang undecided.

69 percent naman ng mga Pilipino ang walang alam sa panukalang federal form of government.

Isinagawa ang survey sa 1,800 respondents sa buong bansa noong June 15 hanggang June 21 o bago aprubahan ni Pangulong Duterte ang draft Federal Constitution ng Consultative Committee.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *