dagdag pasahe

P5 dagdag pasahe sa LRT1, nakatakdang ipatupad

Metro News

Nakatakdang magpatupad ng limang pisong (P5) dagdag pasahe ang Light Rail Transit (LRT)-1.

Sinabi ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) President Juan Alfonso na layon ng limang pisong fare hike na mapabilis ang konstruksyon ng P30-B Cavite extension.

Magbibigay din umano ito ng kumpiyansa sa mga bangko para pautangin ang LRMC ng pondo para sa itatayong Cavite extension.

Ayon kay Alfonso, nasa tatlong daang libong residente mula sa Sucat, Las Piñas at Bacoor ang magbe-benipisyo sa Cavite extension ng LRT na solusyon sa lumalalang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Alfonso na kapag naitayo na ang LRT extension ay aabot lamang sa tatlumpung minuto ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *