“Pacquiao is back!”

“Pacquiao is back!” hiyaw ng mga tao sa pagkapanalo ni Sen. Pacquiao

Sports

Pacquiao is back!

Iyan ang sigaw ng mga taong nakasaksi sa muling pag-angat ng ating Pinoy Champ, Manny Pacquiao.

Pagkaraan nitong tinapos ang laban nila ni Lucas Matthysse sa loob lamang ng pitong round.

Kasunod ng matagumpay na pagkapanalo, Pacquiao may plano na agad depensahan ang titulo.

Ayon sa 39-anyos na boksingero, gusto niya pang bigyan ng magandang palabas ang mga tao at gawin ang kaniyang makakaya sa loob ng ring.

My next fight, I want to defend my title, my belt and give a good show and do my best inside the ring.”

– Sen. Manny Pacquiao

Ilan sa mga pinagpipiliang makakalaban ni Pacquiao ay sina welterweight champion Terrence Crawford, lightweight king Vasyl Lomachenko, at Amir Khan.

Hindi naman sinabi ni Pacman kung isa ba sa mga nabanggit ang kanyang susunod na makakalaban.

Hindi pa siya tapos at nangangailangan lang siya ng oras at konting pahinga.

Matapos naman ang naging pagkapanalo ni Pacman, agad naman itong binati ni Jeff Horn sa kaniyang Instagram account.

Kasabay nito ay ang paghamon ni Horn para sa isang rematch.

Matatandaang unanimous decision ang naging resulta ng laban nila ni Pacman pabor kay Horn noong nakaraang taong nagtunggali sila sa Australia.

 DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *