Mango coin, pinakamabilis na paraan sa pagpapadala ng pera ng mga OFW

Business

Mas mapapadali na ngayon ang pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng Mango Coin.

Ang Mango Coin ay itinatag ng Mango Remittance C U Inc.

Minuto na lang ang hihintayin ng mga mahal mo sa buhay at matatanggap na nila ang padala mo.

Ang mango coin ay isang platform at downloadable application ng MRCU Inc.

Kung saan gamit lamang ang iyong smart phone ay maari ka ng magpadala ng pera.

Agad din itong matatanggap ng pinadalhan.

Maari rin itong i-claim sa iba’t ibang kapamaraanan tulad ng ATM, mga payment center at maging sa mga convenience store.

Ayon kay MRCUI Chief Executive Officer (CEO) at President Jose Jonas M. Cochico III, layunin nilang pagaanin ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng Mango Coin.

Sa Marso ng susunod na taon ay asahan ang matatag na pagpapadala ng pera ng  mga OFW sa pamamagitan ng naturang application.

Ulat ni:  Margot Gonzales

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *