Mga gowns at handicrafts na gawa sa water lily, tampok sa 13th Las Piñas Water Lily Festival

Metro News

Iba’t ibang uri ng gowns at costumes na yari sa water lily ang bumida sa Las Piñas Water Lily Festival.

Highlights din sa nasabing festival ang iba’t ibang handicrafts na may maka-modernong disenyo.

Ang selebrasyon ay pinangunahan mismo ni Senadora Cynthia Villar na tubong Las Piñas at siyang may gawa ng konsepto.

Kung dati rati ay hinahayaan lang ang mga water lily na bumara sa las pin Las Piñas River, ngayon ay ginawa itong isang livelihood program para sa mga mahihirap sa pamamagitan ng handicraft making.

Umaasa si Villar na sa pamamagitan ng naturang programa ay mahikayat ang mga Pilipino na gamitin ang water lily sa pagnegosyo upang patuloy itong mapakinabangan sa halip na ituring bilang basura.

Ulat Ni: Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *