Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog

Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, walang VIP treatment-PNP

Regional

Tiniyak ng Philippine National Police na walang VIP treatment sa puganteng si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog.

Si Parojinog ay kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Matapos mai-repatriate sa bansa mula Taiwan kung saan nakalaboso doon dahil sa kasong illegal entry.

Sinundo si Parjinog mula taiwan ng mga tauhan at opisyal ng PNP at Police Drug Enforcement Unit.

Isinilbi kay Parojinog ang apat na warrant of arrest kaugnay sa mga kasong:

murder, illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of explosives.

Si Parojinog ay kapatid ng nasawing si dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na kabilang sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *