Department of Disaster Resilience

Panukala sa pagbuo ng Department of Disaster Resilience, naisumite na

National News

Naisumite na ng Presidential Legislitave Liaison Office sa Senado at House of Representative ang bersyon ng Duterte Administration para sa panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience  (DDR).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kapag naisabatas ang nasabing panukala magiging mas mahusay ang pamahalaan sa pagtutok sa paghahanda at pangangailangan ng publiko sa panahon ng kalamidad.

Mahalaga ang magiging papel ng bagong departamento na siyang papalit sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC) upang pangunahan ang mga pagsisikap ng pamahalaan para paghandaan ang kalamidad, sakuna at epekto ng climate change.

Paliwanag ni Roque, ayaw ni Pangulong Duterte na magkaroon lang ng mga komite sa panahon ng pagharap sa epekto ng sakuna at magkaroon talaga ng malinaw na point person na siyang tututok sa trabaho.

Nais din ng pangulo na may isang taong in-charge na makikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa panahon ng sakuna.

Ito ang nakitang problema ng Duterte Admin sa NDRRMC na siyang tutugunan sa panukalang batas.

 

Ulat ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *