pnr

Caloocan-Makati na biyahe ng PNR, muling binuksan

Metro News

Makalipas ang dalawang dekada, umarangkada na ang unang biyahe ng  PNR mula Caloocan Station papuntang dela Rosa Station sa Makati.

Labinlimang piso (P15) ang minimum fare sa nasabing ruta.

Ang biyahe ng  tren mula Caloocan hanggang dela Rosa ay simula alas 5:37 ng umaga habang alas 3:45 ng hapon ang huling biyahe nito.

6:22 ng umaga ang unang biyahe ng dela Rosa patungong Caloocan at alas 4:28 ng hapon ang huling biyahe.

Una nang sinabi ng PNR na ito na ang mabilis at murang paraan ng transportasyon mula Caloocan hanggang Makati.

Na may travel time na tatlumpu’t pitong minuto.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *