6.9 magnitude

91 katao, nasawi sa 6.9 magnitude na lindol sa Indonesia

International News

Isang 6.9 magnitude na lindol ang tumama sa Resort Islands ng Bali at Lombok sa Indonesia nitong linggo.

91 katao ang naiulat na nasawi at daan-daan ang kasalukuyang ginagamot habang libu-libong kabahayan at mga gusali ang lubhang napinsala.

Ayon sa tala, ang mapaminsalang lindol ay may lalim na 31 kilometro o 19 na milya.

Ito na ang pangalawang insidente ng lindol sa Indonesia sa loob lamang ng isang linggo.

Naganap ang unang pagyanig noong July 29 ng umaga sa lakas na 6.4 magnitude.

Kumitil ito ng 17 katao habang mahigit 500 hikers at turista ang na-stranded sa Mount Rinjani.

Ang bansang Indonesia ay hagip ng tinatawag na Pacific Ring of Fire, isang 25,000 milyang arko sa palibot ng Pacific Ocean kung saan maraming volcanic activities, fault lines at 90% ng lindol sa buong mundo ang nagaganap rito.

DZARNews 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *