demi lovato

Demi Lovato, nagbigay na ng pahayag kaugnay ng drug overdose

Showbiz

Nagbigay na ng kauna-unahang statement si singer Demi Lovato matapos siyang maospital dahil sa drug overdose.

Ayon sa ipinost ni Demi sa kanyang Instagram account, siya ay naging open at transparent sa kanyang addiction.

“I now need time to heal and focus on my sobriety and road to recovery. The love you have all shown me will never be forgotten and I look forward to the day where I can say I came out on the other side.”

Aniya, ang naturang illness ay hindi basta-basta nawawala over time at isang continuous process and pag-overcome dito.

“What I’ve learned is that this illness is not something that disappears or fades with time. It is something I must continue to overcome and have not done yet.”

Nagpaabot rin siya ng pasasalamat sa kanyang pamilya, team, fans at supporters na walang sawang nagbigay suporta sa kanya.

At higit sa lahat sa Panginoon dahil hanggang ngayon ay buhay pa siya sa kabila ng lahat.

Humingi rin si Demi ng oras upang siya ay makarecover at maka-overcome ang kanyang addiction.

Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ni Demi na ‘I Will Keep Fighting.’

Sinasabing papasok sa rehab si Demi matapos ma-discharge sa Cedars-Sinai Medical Center.

 

DZARNews

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *