pink

Pink, nagbigay ng mensahe sa Paparazzi

International News

Nagpasalamat ang singer na si Pink via Instagram sa kanyang mga fan.

Dahil sa binigay nilang suporta at well wishes matapos siyang maospital dahil sa gastric virus.

Nagbigay mensahe rin ito sa mga Paparazzi na inakusahan siyang nagrerelax sa beach.

Aniya, baka makita siyang naglalakad sa labas ng kanyang hotel room na may bitbit na dalawang bata.

Isa pang warning niya ay baka siya ay mahuling nakangiti, bagay na hindi parte ng normal na imahe ng isang rockstar.

Sa dulo ng kanyang Instagram post, humingi ito ng tawad sa mga ticket holders na naapektuhan ng pagkakansela ng kanyang mga show.

Ipinostpone ni Pink ang kanyang concert sa Sydney Qudos Bank Arena dahil sa upper respiratory infection.

Sunod namang kinansela ang kanyang show sa Live Nation.

Matapos itong isugod ulit sa hospital dahil sa dehydration at gastric virus.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *