egypt

Sasakyang pinapatakbo ng hangin, dinisenyo sa Egypt

International News

Isang grupo ng undergraduate students sa Helwan University ng Cairo, Egypt ang nagdisenyo ng kakaibang uri ng sasakyan bilang graduation project.

Ang nasabing one person vehicle na prototype ay kayang patakbuhin gamit lamang ang compressed oxygen.

Go Kart

Ang Go Kart like na sasakyan na ito ang sagot sa malinis na hangin.

LAlo nas sa umaarangkadang presyo ng gasolina sa merkado.

Ayon pa sa mga estudyante, ay kaya nitong tumakbo ng 40 km/hr at aabutin ng 30 km bago ito palitan ng hangin.

Mura lang ang ginastos nila sa paggawa nito na aabot ng 18,000 Egyptian pounds o mahigit P53, 000.

Higit sa lahat hindi na kailangan pang bumili ng gasolina sapagkat hangin lamang ang katapat nito.

Naghahanap na ng paraan ang grupo upang makalikom ng pondo.

Ang nasabing pondo ay gagamitin nila upang mas mapalawak at mapaganda pa ang kanilang proyekto.

Naniniwala ang nasabing mga mechanical engineering students na kaya nilang lagpasan ng 100 km/hr ang pagtakbo at tagal ng sasakyan bago ito palitan ng hangin.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *