Con-Com

Con-Com, nais makipagpulong sa mga cabinet secretaries

National News

Umaasa si Consultative Committee (Con-Com) member Edmund Tayao na makakapulong nila ang cabinet secretaries ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay upang maipaliwanag ang draft Federal Constitution.

Sinabi ni Tayao na kumpiyansa ang Con-Com sa draft bagaman hindi ito perpekto.

Dagdag nito, noong unang araw pa lamang ay humingi na ang kanilang grupo ng inputs mula sa economic managers ni Duterte.

At hiniling rin ang presensya ng mga ito sa kasagsagan ng mga pulong subalit nagpadala lamang sila ng mga kinatawan.

Dapat aniya ay noong kinukonsulta pa lamang ang economic managers hinggil sa Pederalismo ay sinabi na nila na hindi sila pabor rito.

Hinimok ng Malacañang ang economic managers na gumawa ng mga alternatibo kung hindi pa nasasagot ang kanilang mga tanong sa draft Federal Constitution dahil nananatiling prayoridad ang Pederalismo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *