fiscal nightmare

Fiscal nightmare sa Federal System, pinawi ng Con-Com

National News

Pinawi ni Consultative Committee (Con-Com) Spokesman Ding Generoso ang pangamba ni Finance Secretary Carlos Dominguez na magkakaroon ng Fiscal Nightmare sa ilalim ng Federal form of government.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Generoso na malinaw ang fiscal administration sa draft Federal Constitution.

Makikita ito sa probisyon ng exclusive powers ng federal government.

Dagdag pa nito, ang monetary policy ay exclusive power pa rin ng national government.

Inihayag ni Generoso na patuloy ang isinasagawang regional consultations ng mga miyembro ng Con-Com para ipaliwanag ang konsepto ng pederalismo at paano makikinabang ang malalayong lalawigan dito.

Inilalatag na rin ang information campaign sa Pederalismo at target nila itong masimulan sa mga susunod na araw.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *