campaign

Information campaign sa Pederalismo, pinaiimbestigahan sa Senado

National News

Inihirit ni Senador Grace Poe sa senado na magsagawa ng pagdinig sa information campaign sa Pederalismo ng Consultative Committee (Con-Com) at Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sa inihaing resolusyon ni Poe, ipinabubusisi nito sa Senate Committee on Public Information and Mass Media ang information drive sa Federalism.

Layunin ng hakbang na magkaroon ng transparency, accountability at pagpapatupad ng full disclosure ng lahat ng transaksyong may kinalaman ang publiko.

Nakasaad rin sa resolusyon ang kawalang respeto sa Con-Com ng I-Pederalismo video ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Ilan sa tatalakayin ay ang pagkuha ni Con-Com Spokesman Ding Generoso kay Uson bilang lead campaigner ng Federalism dahil sa mahigit limang milyong followers nito sa Facebook.

Siyamnapung milyong pisong pondo ang ilalaan ng Administrasyong Duterte para sa information drive.

Pangako ng PCOO na gawing simple ang pagpapaliwanag sa Pederalismo sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *