inilunsad

Pinakamabilis na Consumer Care Program ng DTI, inilunsad

Business

Inilunsad ng Department of Trade and Industry sa pamamagitan ng kanilang consumer protection group.

Ang kanilang tatlong pinakabagong Consumer Protection Program.

Ito ay ang ang Consumer Corner.

Ang 1384 consumer hotline at ang consumer care para mas mapangalagaan at maging wais  ang  mga mamimili.

Sa pamamgitan ng Consumer Corner ay madali ng makakapagtanong ang mga consumer tungkol sa kanilang mga responsibiliad at karapatan bilang mga  mamimili.

Magiging available ang mga info desk ng DTI sa iba’t ibang department store,  supermarkets and retail stores nationwide.

Para naman agad na ma-address ang mga complaints at katanungan ng mga mamimili ay inilunsad ng DTI ang 1834 consumer hotline na free of charge para sa lahat.

At sa pamamagitan naman ng [email protected] ay maari namang makapagpadala ng mga suhestyon ang mga consumers via email.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez layunin ng programa na  pagaanin ang buhay ng mga Pilipino.

 

Ulat ni: Margot Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *