excise tax

Pagsuspinde sa excise tax sa langis, isinusulong ng ilang senador

National News

Sa isinagawang imbestigasyon ng senate committee on economic affairs kaugnay sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, isinusulong ng ilang senador ang pagbasura sa excise tax na ipinataw sa langis.

Para kay Sen. Bam Aquino, malaki ang maitutulong sa pagtangal sa ipinataw na buwis sa langis dahil may domino effect ito sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kaya naman inihain nito ang bawas-presyo bill sa senado na layong suspendihin at i-rollback ang pagtaas ng buwis

Giit naman ni Sen. Sherwin Gatchalian, ang chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, dapat bumuo ang pamahalaan ng isang task force na tutugon sa pagtaas ng presyo ng bilihin at pagbibigay ayuda sa mga apektadong pamilya lalong lalo na sa mga mahihirap.

Aminado ang mga ahensya ng pamahalaan na nahihirapan ang mga ito na ipatupad ang mitigating measures na nakapaloob sa TRAIN Law.

2nd tranche ng TRAIN 1, isusulong

Kapwa naman isusulong nina Senador Bam Aquino at Win Gatchalian ang ikalawang tranch ng TRAIN 1 sa 2019 upang maibsan ang pagtaas sa presyo ng bilihin.

Sa ilalim ng TRAIN Law, tatlong beses ang magiging pagtaas sa ipinataw na buwis, una ngayong taon, sunod sa 2019 at 2020.

Kaugnay nito, inamin naman ng pamahalaan na kailangan ng tugunan ang patuloy na pagtaas ng inflation sa bansa.

Giit rin ng mga ahensya ng pamahalaan na hindi nila inaasahan ang magiging epekto ng TRAIN Law sa presyo ng mga bilihin.

Maliban sa TRAIN Law, ilan sa dahilan ng pagtaas ng bilihin ang patuloy na pagsipa ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *